1983, nang tanggapin ni Kuya Manny Calpito ang balitang RADIO HALL OF FAME ang ipinagkaloob na karangalan sa kanyang programang DZRH Operation Tulong. Nasa Los Angeles, California, USA na siya nuon. Ang karangalang naturan ang nag-udyok para lalong magpunyagi na sumalok pa ng karagdagang karunungan sa ibayong dagat. Tumigil siya sa America sa loob ng 30 taon. "Larawan ako ng Pilipinas," Ito ang may pagmamalaking pahayag ni Kuya Manny (ito ang tawag sa kanya ng mga tagapakinig niya sa radyo at telebsyon). "Una akong nagtrabaho sa Davao City, sinundan sa Cebu City, at namalagi sa Maynila, kaya ako ay kabuuan ng Luzon, Visaya at Mindanao." -May himig pagbibiro niyang pahayag. Si Kuya Manny ay ipinanganak sa Umingan, Pangasinan. Nagtapos ng High School sa Northeastern College, Santiago, Isabela. Nagsimulang magsulat sa maagang gulang at nahinog ang kanyang karanasan sa pagsusulat nang maging scriptwriter ng soap opera sa DXMC, AM radio, Davao City. Hindi niya tinantanang halughugin ang kakambal na karunungan ng pagsusulat, ito ay ang broadcasting. 1969, nang unang marinig ang kanyang tinig sa Voice of the Philippines (VOP, ngayon ay Radyo Ng Bayan). Lumipat siya sa DZRH, AM radio, Manila Broadcasting Company nuong 1976. Maraming karangalan ang tinanggap ng kanyang programang DZRH OPERATION TULONG, na ngayon ay isa ng institusyon. Nangibang bansa siya nuong 1982. Sa kanyang pananatili sa USA, hindi tumigil sa pagsusunog ng kilay. Tinapos niya ang buong course ng Photography sa Los Angeles City College at ilang mga disciplines ang kanyang pinag-aralan: physics, science, music, metalurgy, automotive, woodworking, electrician atbp. sa iba't ibang paaralan ayun sa pagkakasunod: Los Angeles Trade Technical College, Citrus College, Pasadena City College, Mt. San Antonio College at mga community schools sa Baldwin Park City at Covina City. Mayroon siyang labing dalawa (12) na imbensyon, kabilang ang "The Calpito Theory." Ilan ang nakapatent at naka-copyright sa US Patent and Trademark Office. Kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles, California, kasama ang kanyang maybahay, Ofelia Lirag Calpito, anak, Maria Lirag Calpito at apo, Lunarose Calpito de Castro.